TRANSAKSIYON SA BANGKETA; 2 BABAE HULI

drugs200

(NI ROSS CORTEZ)

MAGKASUNOD na inaresto ng Quezon Police Provincial Drug Enforcement Unit, pasado alas-5:00 ng hapon ng Biyernes,  ang dalawang babae na tulak ng ilegal na droga sa National Highway na humahati sa lungsod ng Lucena at bayan ng Tayabas Quezon.
Sa recorded video ng mga operatiba, nakikipagtransaksyon ang pulis sa suspek na si Beatriz Habla sa pagbili ng higit sa P7,000 halaga ng shabu, nang magkasundo, nagkita ang pusher at buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa drug suspect
Pero hindi pa rito nagtapos ang operasyon ng mga operatiba, gamit ang cellphone ni Beatriz, kinontak nito ang isa pang tulak ng droga mula Brgy Medicion sa lungsod ng Imus Cavite, at kasalukuyang nasa Lucena City para magdeliber ng droga
Aktuwal na nakunan ang bentahan ng droga sa tabing kalsada kung saan lumapit ang naka-motorsiklong poseur buyer, bumili ng shabu sa suspek na si Gina Pakinggan, saka lumapit ang ang nakasibilyang operatiba at inaresto ang suspek
Binasahan ito ng kanyang karapatan, saka pinabuksan ang plastic container na dala nito na naglalaman rin ng shabu, dito na pinosasan ang suspek at tuluyang inaresto
Ang suspek na si Beatriz, nagpasalamat pa sa mga operatiba dahil nahuli na siya, hindi dahil takot siyang mapatay, kundi dahil sa posibilidad na sa pagkaka aresto sa kanya, matuto na umano ang mga anak niya na magbanat ng buto para mabuhay
Inamin nitong kaya siya napipilitan sa pagbebenta ng droga ay dahil sa hirap ng buhay at sa dami ng mga umaasa sa kanya para mabuhay
Si Gina naman ay nadayo pa sa ibang lugar para magbenta ng droga, para maiiwas ang kanyang sarili sa mainit ring kampanya kontra droga sa lalawigan ng Cavite.
Narekober sa kanila ang kabuuang  siyam na pakete ng hinihinalang shabu ma natimbang ng higit 21 gramo at may market value na di bababa sa P39,000  kasama ring nabawi ang 500 peso marked money
Kapwa nahaharap ang mga babaeng drug suspect sa kasong paglabag sa RA 9165

 

204

Related posts

Leave a Comment