IBP NAKIISA SA MANILA BAY REHAB

manila

(PHOTO BY RAFAEL TABOY)

ILANG Cabinet secretaries ang nanguna kasama ang libu-libong government workers at volunteers, ilan ang may mga dala pang walis-tingting at trash bags, ang lumahok sa paglulunsad ng rehabilitasyon ng Manila Bay na patay na dahil sa polusyon.

Kasama ring nakiisa ang mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines sa pangunguna ni Atty. Dominic C.M. Solis at kaisa sa mga adhikain ng gobyerno at ng Department of Environment and Natural Resources.

Umaabot sa may 5,000 katao ang nag-martsa mula Quirino Grandstand patungong Baywalk area para simulan ang inter-agency cleanup kung saan inaasahang lubusan malilinis sa mga susunod na dekada.

Sabay-sabay ding isinagawa ang paglilinis sa Navotas, Las Pinas, Cavite, Bulacan, Pampangan at Bataan na may daluyan din patungo sa Manila Bay.

Kabilang sa mga lumahok sina Environment Secretary Roy Cimatu, Interior Secretary Eduardo Año, Public Works Secretary Mark Villar, Defense Secretary Delfin Lorenzana, national police chief Director Oscar Albayalde, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim at mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

172

Related posts

Leave a Comment