SINUPORTAHAN ni Rizal 2nd District Fidel Nograles ang panukalang batas na doblehin ang state pension ng walong milyong senior citizens sa buong bansa.
“Our indigent senior citizens need all the help they can get especially during this pandemic. Malaking tulong kung madagdagan natin ang monthly pension nila na sa kasalukuyan ay
kakarampot lang,” ani Nograles.
Ayon sa kongresista, makikipag-ugnayan siya sa tanggapan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, may akda sa House Bill (HB) 7266, para amyendahan ang Republic Act (RA) 9994 o
Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Sa ilalim ng nasabing batas, P500 lamang ang natatanggap na pensyon ng senior citizens sa bansa subalit nais itong itaas sa P1,000 kada buwan dahil tumataas ang pangangailangan ng mga
matatanda lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Bukod dito, layon din ng nasabing panukala na alisin ang mga probisyon na naging dahilan kung bakit hindi lahat ng mga matatanda ay nakatatanggap ng buwanang pensyon.
“Currently, only senior citizens who are “frail, sickly or with disability, and without pension or permanent source of income, compensation or financial assistance from his/her relatives to support
his/her basic needs” as determined by the Department of Social Welfare and Development (DSWD) are qualified for the stipend,” ayon sa mambabatas.
Dahil dito, sa probisyong ito sa nasabing batas, 29% lamang sa 7.5 milyon hanggang walong milyong senior citizens sa bansa ang nakatatanggap ng pensyon kaya dapat aniya itong
amyendahan para kahit ang mga walang sakit at malakas-lakas pa ay mabigyan ng tulong.
“Makikipag-ugnayan po tayo kay Cong. Rufus para mapabilis natin ang pagsasabatas ng panukalang ito, at aanyahahan din natin ang iba pa nating kapwa mambabatas na suportahan ito,” ani
Nograles.
“We owe a great debt to our elderly who have contributed much to our nation-building efforts. It’s only right that we repaid their sacrifices by providing the support that they need so they could live decently,” dagdag pa ng kongresista. (BERNARD TAGUINOD)
