42 POLICE TRAINEES, NAGPOSITIBO SA COVID-19

PATULOY na dumarami ang bilang ng mga pulis na tinatamaan ng COVID-19 sa Calapan City Police Station sa Mindoro.

Ito’y matapos madagdag ang 42 police trainees na kasalukuyang sumasailalim sa field training, sa mga nagpositibo sa virus, bukod pa sa limang pulis na nauna nang nagpositibo nitong nakalipas na weekend at isang civilian personnel gayundin ang isang bilanggo sa kanilang tanggapan.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, agad hiniling ni Calapan City Mayor Arnan Panaligan sa Regional Inter-Agency Task Force at kay Mindoro Governor Humerlito Dolor na magpatupad ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa kanilang lungsod.

Kailangan aniyang higpitan ang mga ipinatutupad na quarantine protocol at makapagsagawa ng epektibong contact tracing, matapos mabatid na nakapag-duty pa sa kanilang kabayanan ang mga

nabanggit na police trainees bago natuklasang positibo sila sa COVID-19.

Naka-isolate na ang mga ito sa City Treatment and Isolation facility sa Calapan City Hall Complex. (NICK ECHEVARRIA)

70

Related posts

Leave a Comment