BABALA NI PDU30 SA PHILHEALTH, KADUDA-DUDA – PM

TAHASANG pinagdududahan ng Partido Manggagawa (PM) ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot samultibilyong pandarambong.

Idiniin ni PM Spokesman Wilson Fortaleza na “pwedeng totoo, pwedeng hindi dahil ongoing pa ang investigation” sa mga opisyal sa PhilHealth, nang tanungin ng reporter na ito ang pananaw ng PM hinggil sa babala ni Duterte sa mga opisyal ng PhilHealth.

Nitong Agosto 10, tiniyak ni Duterte na “yari” sa kanya ang mga korap sa PhilHealth.

Matagal nang organisasyon ang PM ng libu-libong manggagawa mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Fortaleza, “the least na pwedeng ginawa na ay suspended ang high officials” ng PhilHealth.

Marami na rin ang nanawagang tanggalin ni Duterte ang mga opisyal ng ahensiya dahil sa araw- araw na nagsasabugan sa media ang iba’t ibang klaseng deskarte sa korapsyon at pandarambong. Ang mga kawani ng PhilHealth na kabilang sa PhilHealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (PhilHealth-WHITE), na pinamumunuan ni Maria Fe Francisco, ay hiniling din kay Duterte na tanggalin ang mga opisyal ng ahensiya na iniimbestigahan tungkol sa korapsyon.

Ngunit hindi umaksyon si Duterte.

Taliwas ito sa sinabi niya noon na kahit “whiff” (kaluskos) ng korapsyon ay tanggal na.

Sa kaso ng PhilHealth, hihintayin ni Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng task force na pinabuo niya sa Department of Justice (DOJ). (NELSON S. BADILLA)

221

Related posts

Leave a Comment