SCHOOL OPENING INIURONG SA OKTUBRE

HINDI na matutuloy ang pagsisimula ng klase sa darating na Agosto 24.

Ito ay matapos maglabas ng memorandum ang Malakanyang na nag-aatras sa pagbabalik ng eskwela sa buwan ng Oktubre.

Inanunsyo ito ngayong hapon ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones matapos matanggap ang memorandum mula sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Briones na gagamitin nila ang panahon para ayusin ang ilang mga problema, partikular sa logistics bunsod ng pagsasailalim ng Metro Manila at ilang mga karatig-lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Inatasan naman ng kagawaran ang mga lugar na wala sa MECQ na ipagpatuloy ang kanilang mga isinasagawang orientation, dry run, at paghahatid ng learning resources para maging handa na sa bagong petsa ng pasukan.

Umaasa naman si Briones na ito na ang huling gagawing adjustment sa school opening ngayong taon.

132

Related posts

Leave a Comment