PRIVATE SCHOOLS NA NAGSIMULA NANG MAGKLASE, HUWAG NANG IURONG- SOLON

INIREKOMENDA ni Senador Nancy Binay sa Department of Education (DepEd) na magpalabas ng malinaw na guidelines at direksiyon para sa pribadong paaralan na nagbukas ng klase at payagan silang sumulong sa pagbubukas sa Agosto 24 o higit pa.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na kapag may ganitong guidelines at direksiyon ang pribadong paaralan na nagsimula nang magturo, hindi maaantala ang klase.

“So as not to interrupt classes in private schools that have already started, it is better to allow them to continue, at kung ready naman ang school na magbukas, DepEd can give them the flexibility to open on or before October,” ayon kay Binay.

Nitong Biyernes, pinagsabihan ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Education Secretary Leonor Briones na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase na nakatakda sa Agosto 24 tungo sa
Oktubre 5.

Ayon sa DepEd, umabot na sa 1,277 private schools, 243 sa Metro Manila ang nagbukas na ng kanilang klase.

“While we welcome this move from DepEd, we also have to stress that DepEd should use the deferral as an opportunity to iron out any expected challenges in public schools, particularly access
to new learning opportunities, before the opening come October 5,” ayon kay Binay.

Bukod sa problema sa internet connectivity at kawalan ng telebisyon sa ilang lugar, natuklasan sa ginanap na pagdinig ng  Senate Committee on basic education, arts and culture noong nakaraang
linggo na nagkakaproblema ang DepEd sa paghahatid ng bagong learning modalities at pag- iimprenta ng  Self Learning Modules (SLMs) na gagamitin sa pagbubukas ng klase.

Inirekomenda rin ni Binay sa DepEd na magsagawa ng sabay-sabay na dry run sa lahat ng antas sa buong bansa upang masuri ang bagong setup at kasabay nito, matugunan ang lulutang na
problema.

“A nationwide simulation is recommended para alam ng estudyante, kasama na ang magulang kung ano ang bagong sistema, at para makapag-adjust din sila. The simulation should also include
schools in rural areas and remote barangays that have multi-grade setups,” giit ni Binay. (ESTONG REYES)

99

Related posts

Leave a Comment