DUQUE, ‘NINONG’ SA PHILHEALTH

TINAGURIAN ni Senador Imee Marcos bilang ‘ninong’ sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Marcos, sa tagal na ni Duque sa PhilHealth marami na rin siyang inaanak sa ahensya at tiyak na may impluwensya sa ilang opisyal nito.

“Ang tanging Ninong ng PhilHealth ay si Secretary Duque. Lahat ng nakaupo tauhan niya. Hindi pinagkakaila at pinagmamalaki pa na bata sila ni Duque. Lumabas na siya at magsalita at
ipaliwanag ang pangyayari sa PhilHealth at pagkawala ng reserved fund,” saad ni Marcos sa panayam ng DWIZ.

Samantala, hindi kuntento si Marcos sa paglagda sa bank waiver ni PhilHealth President Ricardo Morales at iba pang miyembro ng executive committee upang matiyak na malalaman na ang
posibleng katiwalian ng mga ospital na ito.

Sinabi ni Marcos na pwede namang hindi ang kani-kanilang bank accounts ang pinaglagakan nila ng kanilang mga posibleng kinita sa mga iregularidad sa PhilHealth.

Iginiit ni Marcos na mas makabubuti na isailalim sa preventive suspension ang lahat ng mga isinasangkot at magsagawa ng malalimang imbestigasyon laban sa mga ito.

Samantala, duda rin si Senador Richard Gordon sa paglagda sa waiver ng mga opisyal.

Tulad din ni Marcos, sinabi ni Gordon na may posibilidad na sa ibang account nailagay ang kickback o kaya naman ay ‘cash’ nila itong nakuha. (DANG SAMSON-GARCIA)

92

Related posts

Leave a Comment