9 NEW COVID DEATHS, NAITALA SA CALOOCAN, MALABON, NAVOTAS

UMABOT sa siyam na positibo sa coronavirus disease ang naitalang bagong namatay sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas.

Tatlo sa 93 karagdagang kaso ng COVID-19 sa Navotas City ang namatay habang 160 naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

“Ayon sa Philippine Genome Center, nakarating na sa Pilipinas ang mutation ng COVID-19.

Sa madaling salita, bagong version po ito ng virus. Pag-aaralan pa ng mga eksperto kung kasama ito sa makokontrol ng mga bakunang kasalukuyang sumasailalim sa clinical trial mula sa iba’t ibang bansa,” sabi ng punong-lungsod.

Dagdag pa ni Tiangco, hindi tayo pwedeng maghintay na lamang ng pagdating ng bakuna at habang wala pa ito, hindi maaaring tumigil ang ikot ng ating buhay.

“Ang tangi nating magagawa sa ngayon ay maging maingat.  Palagian nating sundin ang ipinapatupad na safety measures tulad ng tamang pagsusuot ng mask at ng face shield;
pagpapanatili ng distansya sa iba; paghuhugas o pagsa-sanitize ng kamay, at iba pa. Tayo ang unang magliligtas sa ating sarili at sa ating pamilya,” ayon sa alkalde.

Hanngang alas-8:30 noong Martes, Agosto 18, umabot na sa 3,903 ang COVID positive sa Navotas.

Sa bilang na ito, 1,030 ang active cases, 2,760 ang gumagaling na at 113 ang namatay.

Sa kabilang dako, lima ang nadagdag sa talaan ng mga namatay sa Caloocan City dahil sa COVID-19, ayon kay Mayor Oscar Malapitan.

Nabatid sa post ni Malapitan sa social media, hanggang alas-7:00 ng gabi noong Martes, Agosto 18, ay 154 ang sumakabilang-buhay sa lungsod mula sa huling ulat na 149 noong Agosto 16.

Bukod dito, 3,958 na ang nagpositibo sa COVID sa lungsod at 1,833 sa mga ito ang gumaling na.

Samantala, isa naman ang bagong namatay dahil sa pandemya sa Barangay San Agustin, Malabon City kaya’t sumampa na sa 136 ang COVID death toll ng lungsod.
Nabatid sa City Health Department, 101 ang nadagdag na confirmed cases noong Martes kaya’t sa kabuuan ay 2,991 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa Malabon, 636 dito ang active cases.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay mula sa Barangay Acacia (2), Baritan (6), Catmon (1), Concepcion (1), Flores (1), Longos (16), Maysilo (2), Muzon (3), Niugan (5), Panghulo (6), Potrero
(21), San Agustin (4), Tañong (7), Tinajeros (8), Tonsuya (9), at Tugatog (9). \

Tumaaas naman sa 87 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling kaya’t sa kabuuan ay 2,219 na ang recovered patients sa lungsod.

Ang mga bagong gumaling  ay mula sa Barangay Bayan-bayanan (1), Catmon (12), Dampalit (1), Hulong Duhat (4), Ibaba (6), Longos (10), Maysilo (4), Muzon (3), Niugan (3), Potrero (11), San
Agustin (1), Tañong (5), Tinajeros (2), Tonsuya (12), at Tugatog (12). (ALAIN AJERO)

96

Related posts

Leave a Comment