Mas mahigpit na GCQ paiiralin sa NCR UNIFIED 8PM-5AM CURFEW ASAHAN

MAGPAPATUPAD ng magkakaparehong oras ng curfew sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila alinsunod sa mas mahigpit na general community quarantine (GCQ).

Ito ay matapos aprubahan ng National Task Force (NTF) against coronavirus disease 2019 (COVID- 19) ang pagpapatupad ng “stricter” GCQ sa Metro Manila at iba pang lalawigan upang mapigil ang pagkalat ng nasabing sakit.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpasya ang NTF na i-adapt ang rekomendasyon ng mga alkalde sa Metro Manila para sa unified curfew mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa ilalim ng GCQ.

Ani Roque, nagkita ang mga miyembro ng NTF COVID-19, nitong Martes at napagkasunduan ang rekomendasyon ng local chief executives ng Metro Manila na magpatupad ng mahigpit na GCQ na nauna nang ipinatupad noong Hunyo.

Ang Metro Manila at mga lalawigang gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Nueva Ecija, at Batangas ay isinailalim sa GCQ hanggang Agosto 31.

Isinailalim din sa GCQ ang mga lungsod ng Iloilo, Cebu, Lapu-Lapu, Mandaue, at Talisay, at maging ang mga munisipalidad ng Minglanilla at Consolacion sa Cebu province.

Sinabi ni Sec. Roque na ang implementasyon ng “localized and granular” lockdowns sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ ay “aggressively pursued”.

Sa kabilang dalo, pumayag din ang NTF COVID-19 na ang mass gatherings, kabilang na ang religious services, sa GCQ zones ay strictly limited sa 10 katao.

Ang operasyon naman ng gyms, internet cafes, review at tutorial centers ay suspendido sa gitna ng implementasyon ng GCQ.

Ang mga restaurant at salons na mga lugar sa ilalim ng GCQ ay maaaring mag-operate subalit ang kapasidad ng kanilang customers ay pagdedesisyunan ng LGUs.

Pinapayagan naman ang backride basta ang driver at pasahero ay magkapareho ang address.

Maaari ring magpalabas ng quarantine passes ang LGUs sa mga lugar na nasa GCQ. (CHRISTIAN DALE)

320

Related posts

Leave a Comment