PSA KINALAMPAG SA NATIONAL ID

PINAALALAHANAN ni Senador Christopher Bong Go ang Philippine Statistics Authority (PSA) na siguruhin ang matagumpay na pagpapatupad ng Philipine Identification System  para maiwasan ang mga fraudulent transaction at misrepresentation at mapabuti ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

Sinabi ni Go na long overdue na ang  National ID system at nakita naman ngayong pandemic ang mga kakulangan sa paghahatid ng serbisyo tulad ng Social Amelioration Program  (SAP) na ginamit sa pagbibigay ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ng senador na kung naging mabilis lang sana ang National ID system o Republic Act no. 11055 na nilagdaan ni Pangulong  Rodrigo Duterte para maging ganap na batas noong August
2018 ay posibleng nabawasan ang mga naging problema ngayon sa paghahatid ng tulong sa taumbayan.

Aniya, nakasaad sa batas na bawat mamamayan gayundin ang mga resident alien ay bibigyan ng   unique at permanent identification number na kanyang gagamiting record sa lahat ng government agencies at upang mabawasan na rin ang pagpapakita pa ng ibang ID.

Inatasan na rin ni Pangulong Duterte ang  NEDA sa pangunguna ni Acting Secretary Karl Kendrick Chua na pabilisan ang pagpapatupad ng PhilSys.

Binigyang diin ni Go na kumpiyansa itong  mahalaga ang national ID system para makita ang benepisyo ng e-governance nang mas mabilis, magiging  mas mabisa, mas cost-effective at mas mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng sambayanan. (NOEL ABUEL)

230

Related posts

Leave a Comment