Bawal dumalaw ngayong Undas MEMORIAL PARKS SA MAYNILA ISASARA

PINAGUTOS ni Manila Mayor Isko Moreno ang pansamantalang pagsasara ng mga pribadong memorial park at mga sementeryo sa Siyudad simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3.

Sa isang live na announcement sa social media, inihingi ni Moreno ng poaumanhin sa publiko ang kanyang naging desisyon.

Paliwanag ni Moreno, ito ay dahil na rin sa kagustuhan laman niya na maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na Covid-19 sa Maynila

Sa aking pagunawa sa ating sitwasyon dalawang buwan mula ngayon ay bibisita tayo sa Nobyembre 1 sa ating mga yumaong mahal sa buhay. Humihingi po ako ng paumanhin sapagkat aking

pinirmahan ang E.O 38 kung saan simula October 31 hanggang November 3 ay ating ipasasara ng pamsamantala ang sementeryo,” sinabi ni Moreno.

“Alam natin na isa sa kung mabisang dumarami ang COVID ayt dahil sa pakikihalubilo at siksikan at sama-sama sa isang lugar, kayat para maiwasan natin ang patuloy na pagdami ng Covid 19 ay pansamantala natin itong isasara,” sinabi ni Moreno.

Umaasa naman si Moreno na mauunawaan siya ng mga Manileno dahil para naman ito sa kanilang seguridad na pangkalusugan. (CATHERINE CUETO)

113

Related posts

Leave a Comment