USEC BADOY NAGMATIGAS, HINDI MAGRE-RESIGN

TUMANGGI si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy na magbitiw sa pwesto makaraang hilingin sa kanya ng ilang mambabatas.

Ito ang pahayag ni Badoy sa kanyang Facebook post bilang reaksyon sa apela ng Makabayan bloc na magbitiw siya sa pwesto dahil sa pagre-redtag sa mga opisyal na walang sapat na basehan.

Ang punto ni Badoy, kung hindi ito hiniling sa kanya ng mga progresibong mambabatas ay baka sakaling madismaya siya at makita niya ito bilang kakulangan sa pagganap sa trabaho dahil wala naman silang ibang hinihingi.

Giit ni Badoy, hindi siya ang dapat magbitiw sa pwesto dahil hindi naman siya ang nanloloko sa mga Pilipino at wala siyang ginagawa para manakit sa kapwa.

Si Badoy ay nagsilbi bilang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Matatandaang hiniling ni Badoy sa Makabayan bloc na aminin na sila ay mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (NPA).

Nauna rito, sinuspinde ang pagdinig sa budget ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) dahil sa mga post umano ni Badoy na nagsasabing mga terorista ang Makabayan bloc congressmen.

Sa pagdinig sa House Committee on Appropriations ng P1.59 billion budget ng PCOO, inalmahan nina ACT party-list Rep. France Castro at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang mga mapanira anilang post ni Badoy.

Ipinakita ng mga mambabatas ang isang post ni Badoy na nagsasabi na ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara na sina Bayan Muna party-list Reps. Eufemia Cullamat, Ferdinand Gaite at Zarate, Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Castro “ay matataas na ranggong kasapi ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-

National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na ang layunin ay pahinain at wasakin ang ating gobyerno upang pabagsakin ang demokrasya at tuluyang itatag ang komunismo” na labis na ikinagalit ng mga mambabatas. (CHRISTIAN DALE)

121

Related posts

Leave a Comment