KILALANG PULITIKO ‘TINABLA’ NI KAPITANA

BELTRAN by EDD CASTRO

(NI LUISA LEIGHT NIEZ)

“ GUSTO  na talaga niyang umatras dahil sa pini-pressure  daw siya  para paatrasin ng isang tao.”

Ito ang pinagdiinan kahapon ni PDP  mayoralty candidate Bingbong Crisologo nang magtungo sa QCPD Headquarters sa  Kampo Karingal, Quezon City.

Gayunman, tuloy ang pagtakbo ni Bgy. Captain Criselle ‘Beng’ Beltran dahil na rin sa kahilingan ng maraming umaasang supporters sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay  dating Rep. Crisologo, isang araw bago  ma-ambush si  Beltran,  nag-usap umano sila dahil isang kongresista umano ang kumausap sa kanya para paatrasin siya sa kanyang pagtakbo sa ika-2 distrito.

Sinabi pa ni Crisologo na may tatlong  suspek na umanong tinutututukan kung kaya nagsadya siya sa QCPD para personal na alamin ang bagong kaganapan.

Samantala, sa isang press briefing  sa Kampo Karingal,  sinabi ni QCPD Director PCSUPT Joselito Esquivel, Jr.  na may mga  person of interest na sila  ngunit  hindi  naman nito sinabi kung  sino-sino ang mga ito.

Ayon kay Esquivel , naglagay na ng  16 na  mga imbestigador sa binuong ‘Task Force Beltran’ para matutukan nang husto ang imbestigasyon.

“Puwedeng  pulitika, love triangle, negosyo at puwede ring related sa  pagiging kapitan nito,” sabi ni Esquivel.

2 DATING KARELASYON NG BGY. CHAIRWOMAN NAGTUNGO SA QCPD

NANANATILING tikom ang bibig ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU)  ng Quezon City Pollice District (QCPD)  sa  pagkakakilanlan ng sinasabing  peson of interest  sa pagpaslang kay Beltran.

Kaugnay nito,   inimbitahan naman ng  QCPD-CIDU  ang  dating asawa ni  Beltran, 48, na si Winston Beltran, 51 at  ang isa sa naka-relasyon nito na si SPO2 Nilo Duaso, naka-assign sa Fairview Police Station 5 ng QCPD,  samantala, hinihintay pa rin ng mga imbestigador na  pumunta ang  kasalukuyan umanong karelasyon ng chairwoman..

Hindi muna ipinakausap ng CIDU ang dalawang nakarelasyon ng kapitana  dahil  baka makaapekto ito sa ginagawang imbestigasyon  ng Task Force.

Ayon kay QCPD Director,  PCSUPT  Joselito Esquivel, Jr.  bumuo na sila ng  special investigation  task group  na tututok sa imbestigasyon.

Sinabi naman ni NCRPO Chief, PDIR Guillermo  Lorenzo Eleazar,  na pinag-aaralang lahat ng anggulo , pero hindi isinasaisang-tabi  ang motibo ng pulitika dahil nasa election period tayo at itong si kapitana  ay elected official  na tumayakbo bilang  congressional  candidate sa 2nd District  ng Quezon City at tinitingnan din natin  kung  mako-consider ito na  merong political motive.

“Asahan natin na sa mga susunod na oras o mga araw ito pong binubong special investigation task group ng QCPD ay talagang pag-aaralan ang mga pangyayari,” ayon kay  Eleazar.

266

Related posts

Leave a Comment