PDU30 DUMISTANSYA SA TERM SHARING SA KAMARA

HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco.

Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte ang una nang naging arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno sa Kamara de Representantes.

Ayon kay Sec. Roque, ang desisyon ay nasa hanay ng mga miyembro ng Kongreso kasabay ng pagpapahayag ng pasubali na walang dahilan para mamagitan sa ngayon ang presidente sa dalawang kongresista.

“Wala po tayong kinalaman diyan bagamat ang paghalal ng Speaker ay desisyon po iyan ng mga miyembro ng Kamara, so hindi po nanghihimasok diyan ang Presidente sa ngayon,” ayon kay Sec. Roque.

Magugunitang, nagkaroon ng term sharing agreement sina Cayetano at Velasco na pinagtibay ng dalawa bilang gentleman’s agreement.

Kung masusunod ang kasunduan ng dalawa, dapat maupo bilang bagong Speaker of the House si Velasco kapalit ni Cayetano sa darating na Oktubre 18. (CHRISTIAN DALE)

124

Related posts

Leave a Comment