(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY MJ ROMERO)
KINUWESTIYON sa Commission on Elections (Comelec),ang kandidatura ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano bilang kinatawan ng District 1 at District 2 sa Taguig City.
Si Alan Peter ay nagsabing nakatira siya sa Barangay Bagumbayan sa Taguig, habang si Lani ay nagsasabing siya ng residente ng Barangay Fort Bonifacio sa kabila na ang mag asawa ay nakatira sa Unit 352-A Two Serendra as Fort Bonifacio, Taguig.
Martes ng tanghali ay nagsagawa ng pagkilos sa Comelec ang mga grupong gustong madiskuwalipika ang mag asawang Cayetano sa nalalapit na mid term elections.
Ayon kay Atty. Emil Marañon III, maliwanag umano na niloloko ng mag-asawang Alan at Lani ang taumbayan.
Nabatid na Iginiit ng petisyuner sa Comelec na si Leonides Buac Jr na kanselahin ang certificates of candidacy (COCs) ng mag asawang Cayetano dahil sa magka ibang address sa kanilang COCs, dahilan para pagdudahan ang kanilang katapatan .
Sinabi ni Marañon na ang pagtakbo ng isang mag asawa sa magkabilang distrito ay nakasanayan na kaya gusto nila na magkaroon talaga ng ruling ang Comelec kung puwede ba talaga o hindi ang ganoon practice.
“Ang sinasabi sa batas, kung saan ka nakatira, doon ka dapat tumakbo. Ang nangyayari dito, nakatira daw sila sa iisang lugar pero tumatakbo sa magkaibang distrito. For us very problematic ‘yon at saka may problema ‘yon sa batas,” ayon kay Marañon.
Kaugnay nito naniniwala naman ang kampo ni Cayetano na maibabasura ang petisyon na madiskuwalipika ang mag asawa.
Ayon kay Atty. George Garcia, malinaw na ang mag asawa ay may magkaibang domiciles Pero sila ay may isang conjugal residence.
Ipinaliwanag ni Garcia na ang tirahan ay “place of abode,” at ang lahat naman ay maaring magkaroon ng maraming residente.
Samantala, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na on going pa ang proseso sa disqualification case laban sa mag asawang Cayetano.
“Di ko po masasabi. Pasensya na po, pero on going pa ang processo sa kasong yan,” ayon kay Jimenez nang tanungin kung kelan makakapagpalabas ng desisyon ang Comelec.
160