(NI ROSE PULGAR)
PATULOY na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang malagim na naganap na sunog tumupok sa isang apartment sa distrito ng Paris kung saan maraming mga Pilipino ang naninirahan.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Paris,nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad upang matukoy kung may mga Pilipino na kabilang sa 10 nasawi at 37 sugatan sa nasabing sunog na tumupok sa walong palapag ng apartment building sa Erlanger sa ika-16 na distrito nitong nakalipas na Martes.
Kasabay nito, ipina-abot ng embahada ang pakikiramay mula kay Ambassador to France Ma. Theresa Lazaro sa mga mahal sa buhay na naulila sa insidente at nagpahayag ng pag-asa na walang Pinoy na nadamay sa mga nasawi at nasugatan.
Nanawagan din ang embahada sa mga miyembro ng Filipino community na posibleng kabilang sa naganap na sunog na tumawag sa kanilang emergency hotline sa numerong 0620592515 para sa anumang kakailanganing tulong.
Pahayag pa ng embahada ng Pilipinas na agad na mag report sa kanilang tanggapan ang mga Pinoy na naroon na nangangailangan ng tulong upang agad na mapuntahan ang mga ito at matulungan.
150