RELASYONG RAVER-JANINE SUPORTADO NI LOTLOT

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

HINDI lamang si Janine Gutierrez kundi pati ang ina nitong si Lotlot de Leon ang sumuporta nang husto at nakiramay kay Rayver Cruz at sa buong pamilya nito sa pagkamatay ni Mrs. Elizabeth Cruz na ina nina Rayver, Omar at Rodjun Cruz.

Halos gabi-gabi ay nasa burol ni Mrs. Cruz sina Janine at Lotlot.

Matagal na rin namang magkakilala sina Lotlot at Rayver; makailang ulit na silang nagkasama sa trabaho, pinaka-latest na nga ang umeere ngayong Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA.

Bago pa man pumanaw si Mrs. Cruz ay saksi si Lotlot sa madalas na pagkatulala at kalungkutan ni Rayver kapag nasa taping ng AKKK nang mga panahon na naka-confine ang ina nito dahil sa pancreatic cancer. Huwebes, February 7 inihatid sa huling hantungan ang mga labi ni Mrs. Cruz.

Samantala, sa tanong kung magkarelasyon na ba sina Janine at Rayver, consistent si Lotlot sa pagsasabing mas maganda raw kung ang dalawa ang tatanungin at huwag siya. Ayaw naman niyang pangunahan kung anuman ang namamagitan sa dalaga at binata.

“Ewan ko, sila na lang ang tanungin ninyo,”sinabi ni Lotlot.

Kung sakaling magkakaroon ng relasyon ang dalawa?

“Kung saan masaya si Janine I’ll be happy for her. She has a good head on her shoulders; I know she’ll make the right decisions.

“I have faith in her so let’s allow her to make her own decisions already; she’s already also of age.”

Pero kung magkakaroon man ng relasyon ang dalawa (kung wala pa nga) ay botong-boto si Lotlot kay Rayver para kay Janine dahil napakabait raw ni Rayver at napakasipag sa kanyang career.

Speaking of Lotlot, bukod sa Asawa Ko, Karibal Ko ay mapapanood si Lotlot bukas, Sabado sa “TATLONG HENERASYON NG SIPAG AT TIYAGA: A Special Presentation of Magpakailanman.”

Kuwento ito ng tatlong henerasyon ni Lelang (na ginampanan nina Sanya Lopez/Valerie Concepcion/Marita Zobel) na ang anak na si

Filemon (Seth de la Cruz/ Gardo Versoza) ay naging doktor at pumasok sa pulitika katuwang ang asawa nitong si Lydia (Lotlot de Leon).

Iniwan ni Lydia ang kanyang propesyon bilang guro upang maging full-time na ina kay Cynthia (Chlaui Malayao/Thea Tolentino, na nasa cast rin ng Asawa Ko, Karibal Ko/ Glydel Mercado) at sa mga kapatid nito.

Lumaki si Cynthia na matalino at masipag at naging asawa si Manny Villar (Christian Vasquez) na isa ring matalino at may mataas na pangarap na lalaki.

Naging matagumpay ang mag-asawa at mismong si Senator Cynthia Villar ay naging ehemplo ng isang “empowered woman destined to be one of the best lawmakers, an entrepreneur who has a heart for the masses”.

Isa ring supportive na asawa sa mister niyang si Senator Manny at butihing ina sa kanyang mga anak na sina Mark (James Teng), Camille (Faith da Silva) and Paulo (Prince Clemente).

Ang naturang episode ng Magpakailanman ay sa direksyon ni Mark Reyes at sa panulat ni Gina Marissa Tagasa.

 

443

Related posts

Leave a Comment