CAVITE – Mistulang naging kalakaran na sa lalawigang ito ang tupada dahil sa kabila na mahigpit pa ring ipinagbabawal ay ginagawa pa rin, patunay ang pitong sabungero na nasukol ng mga tauhan ng Cavite Police, habang marami ang nakatakas sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa Gen. Trias City.
Kinilala ang mga arestado na sina Jose Tomagan, Felisisimo Herrera, Noel Coronado, Wilson Abalos, Rodolfo Reyes, Jerryl Cobrado at Mark Christian Sanez, pawang ng General Trias City.
Ayon sa ulat ni Corporal Franz Zorilla, dakong alas-1:20 ng hapon noong Linggo nang nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga awtoridad makaraang nakatanggap sila ng tawag na may isinasagawang tupada sa Brgy. Pasong Kawayan 2 ng nabanggit na lungsod.
Ngunit pagdating ng mga awtoridad sa lugar, nagtakbuhan ang mga sabungero at tanging pito katao lamang ang naaresto.
Nakuha sa lugar ang dalawang tari, isang buhay at dalawang patay na sasabunging manok at P2,200 pusta.
Nahaharap ang mga arestado sa kasong illegal gambling. (SIGFRED ADSUARA)
