SOLONS NABAHALA SA DELAY NG PRINT NG BALOTA

balot7

(NI NOEL ABUEL)

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang ilang senador sa posibilidad na kulangin ang supply ng balota na gagamitin sa darating na 2019 national elections.

Sinabi ni Senador Koko Pimentel na na-delay ang Comelec ng 18 araw maliban pa sa magpi-print din ito ng anim milyong dagdag na balota dahil sa nadagdagan ang bilang ngga botante.

“I’m worried sa printing of ballots kasi na delay ang Comelec ng 18 days then magpi-print sila ng mas maraming additional 6m more ballots compared sa last elections, so na-delay ka na ng 18 days you will print  6m ballots kasi dumami raw ang registered voters ng six million. That worries me,” sabi ni Pimentel.

Ngunit tiniyak naman umano ng Comelec na  hindi dapat mag-alala ang publiko dahil nasa tamang schedule ito.

“Pero sabi naman ng Comelec na wag mag-alala kasi ‘yung original schedule daw nila ay mayroon nang elbow room,” aniya pa.

303

Related posts

Leave a Comment