BOC-PORT OF NAIA TUMANGGAP NG AWARDS MULA SA 15TH STRIKE WING NG PAF

Personal na tinanggap nina Bureau of Customs Commissioner Rey ­Leonardo B. Guerrero, at Port of NAIA Dist. Collector Carmelita Talusan ang isang pagkilala mula sa Philippine Air Force kasabay ng isinagawang selebrasyon ng 15th Strike Wing’s 47th anniversary noong nakaraang ­Nobyembre 26, 2020.

Ang Plaques of Recognition ay iprinisinta ni Brigadier General Araus Robert F. Musico, ang pagkilala sa napakahalagang suporta na i­binibigay ng BOC sa ibat-ibang CMO activities ng ‘Wing na 24/7 government service ng Port of NAIA.

Ito ay sa pamamagitan ng One Stop Shop ng PAF sa NAIA na tinitiyak nila ang mahusay na proseso at agarang pag-release ng medical medical supplies, donations, at PPEs.

Ang Port of NAIA, sa pamumuno ni District Collector Talusan ay sinisigurong lahat ng stakeholders ay bibigyang halaga ng gobyerno lalo na sa patuloy na pagpapabilis ng time-sensitive shipments na naaayon sa customs laws and regulations.

Partikular na binibigyan ng importansiya ng Port of NAIA ang pagpapabilis ng pag-release sa mga shipment na may kinalaman sa mga kagamitan para sa paglaban sa Covid-19.

At bilang suporta na rin ng Port of NAIA sa walang humpay na suporta sa ­inisyatiba at programa ni Commissioner Rey ­Leonardo B. Guerrero sa ilalim ng 10-Point Priority Program of BOC.

Ang BOC-NAIA ay isa sa labing pitong (17) collection districts na pinakamaraming accomplishements ­pagdating sa paglaban sa smuggling sa kanilang hangganan (border).

(Joel O. Amongo)

135

Related posts

Leave a Comment