NAGKAKASA ang Quiapo Church ng kanilang Simbang Gabi, pero hindi ito gagawin sa mismong simbahan nito.
Sa unang pagkakataon, gaganapin ang Simbang Gabi ng Quiapo Church sa may Bonifacio Shrine.
Sinasabing nasa 300 devotees lang ang papayagan na pumasok sa Bonifacio Shrine para makilahok sa Misa de Gallo.
Nanawagan na rin ang simbahan sa mga senior at mga menor de edad na sa online mass na lang lumahok.
Bukod diyan, hinihimok na rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga lokal na pamahalaan na mag-organisa ng 9-araw na novena Mass sa malalaking lugar para ma-accommodate ang mas maraming tao.
Kahapon, dinagsa ng mga deboto ang Simbahan ng Quiapo dahil sa First Friday Mass.
May pila na ng mga deboto sa labas ng simbahan na naghihintay na makapasok. Dahil sa physical distancing, tanging 300 katao ang pinapapasok sa simbahan.
Bukod sa physical distancing, kailangang din na nakasuot ng face mask at face shield ang mga deboto. Bawal pa rin ang mga batang pumunta sa simbahan. (CATHERINE CUETO)
