LUMAYA SA SELDA BULAGTA SA BALA

HINIHINALANG may kaugnayan sa ilegal na droga ang pagpaslang sa isang 34-anyos na lalaki sa Tondo, Manila nitong Martes ng madaling araw.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital ng biktimang kinilalang si Alexander River y Edaño, ng Rodriguez St., Balut Tondo, bunsod ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng Manila Police District- Raxabago Police Station 1, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Honorio Lopez Boulevard sa tapat ng San Roque Church sa Balut, Tondo.

Lulan si Rivera ng motorsiklo ngunit pagsapit sa nabanggit na lugar ay pinagbabaril ng hindi kilalang suspek.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang beses nang nakulong ang biktima dahil sa ilegal and droga. (RENE CRISOSTOMO)

149

Related posts

Leave a Comment