2 NADAGDAG SA NAVOTAS COVID DEATHS

DALAWA sa tatlong nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City ang namatay noong Disyembre 14, habang anim naman ang naitalang gumaling.

Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Toby Tiangco, nagbabala ang mga eskperto sa bansa na maaaring mangyari sa atin ang nangyari sa Canada kung hindi mag-iingat at babalewalain ng mamamayan ang minimum safety protocols na ipinatutupad.

“Sa Canada, matapos ang selebrasyon ng Thanksgiving, nadoble ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19. Sa ngayon ay nalagpasan na ng nasabing bansa ang kabuuang bilang ng mga kaso sa Pilipinas at pang-27 na ito sa may pinakamaraming kaso ng sakit sa buong mundo,” ani Tiangco.

Dagdag pa ng alkalde, walang pinipiling panahon ang virus at kapag hindi tayo nag-ingat, paglobo ng mga kaso ang sasalubong sa atin sa bagong taon.

Umabot na sa 5,368 ang mga tinamaan ng COVID sa Navotas. Sa bilang na ito ay 5,159 ang gumaling, 165 ang namatay at 44 ang active cases. (ALAIN AJERO)

118

Related posts

Leave a Comment