ISINAILALIM ng Inter-Agency Task Force ang Isabela province sa mahigpit na lockdown bunsod ng pagtaas ng COVID-19 infections.
Ang Isabela province, maliban sa Santiago City, ay isasailalim sa general community quarantine (GCQ) o sa itinuturing na 3rd strictest ng 4 lockdown levels, hanggang Disyembre 31.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito’y base sa kahilingan ng local government ng Isabela dahil sa virus’ attack rate.
Ang nasabing lalawigan ay kasalukuyang nasa modified GCQ, itinuturing na “least stringent” ng lockdown levels.
Ang Metro Manila at pitong iba pang mga lugar ay nasa ilalim ng GCQ hanggang sa matapos ang taon.
Tanging piling mga negosyo lamang ang pinapayagan na mag-operate ng full capacity sa GCQ areas. (CHRISTIAN DALE)
