CUSTOMS, NAIA, PNP SINISI SA DRUG PROBLEM

DUTERTE-2

(NI LILIBETH JULIAN)

IBINUNTON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sisi sa mga tao ang kabiguang ng administrasyon nito na masawata ang problema sa ilegal na droga sa loob ng anim na buwan.

Diretsahang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa dinaluhan nitong Peace and Order Summit for Barangay Officials sa Brgy. Bitano, Legazpi City, Albay, na mismong si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald Dela Rosa ang nagsabi sa kanya na kagagawan ng mga tao at ilang opisyal ng pamahalaan kung bakit hindi lubos na nasawata ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa base sa ipinangakong panahon.

Ayon sa Pangulo, ibinunyag sa kanya mismo ni dela Rosa ang Bureau of Customs (BoC), ilang high ranking PNP officials, at maging nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang naging dahilan kung bakit nabigo ang target na anim na buwan na pagresolba sa malalang illegal drugs problem.

“Sinabi sa akin ni General Bato na ang sariling gobyerno ko rin ang aking kalaban sa aking kampanya kontra droga,” ani ng Pangulo.

Matatandaan, makailang ulit nang isinangkot ng Pangulo ang ilang aktibo at retiradong opisyal ng pulisya sa bentahan ng ilegal na droga maging si Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña na ngayon ay kalihim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ay nasangkot sa isyu ng bilyong pisong halaga ng shabu na  naipuslit sa bansa sa pamamagitan ng magnetic lifters.

Inamin din ng Pangulo na wala itong magagawa sa mga patayan na may kaugnayan sa ilegal na droga dahil kung ang pumapatay mismo ay ang mga nasa likod ng kalakalan ng droga at sa huli ay isisisi sa pamahalaan.

Isinisi rin ng Pangulo sa publiko ang kabiguan dahil na rin sa hindi lubos na pakikipagtulungan sa pamahalaan kaugnay sa kampanya.

155

Related posts

Leave a Comment