Inirekomenda ng Metro mayors TOTAL FIRECRACKER BAN SA NCR

MAHIGPIT na ipatutupad ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang total firecracker ban sa buong Metro Manila ngayong Kapaskuhan at sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang inihayag nitong Lunes ni NCRPO chief, P/BGen. Vicente Danao matapos magkasundo ang Metro Manila mayors sa pagpapatupad ng total ban sa mga paputok ngayong yuletide season.

“All Metro Manila mayors unanimously agreed on the total ban po of firecrackers sa buong Kamaynilaan. Any kind of firecrackers ay bawal na pong gamitin, ibenta rito po sa loob ng Metro Manila,” ani P/BGen. Danao.

Ayon kay Danao, huhulihin ang mga lalabag at pagsasabihan na huwag nang ulitin ang kanilang ginawa.

Nabatid na nitong nakalipas na linggo pa pinagtibay ng Metro Manila mayors ang pagbabawal sa paggamit at pagbebenta ng mga paputok.

 “Naaprubahan po kasi ito last week. Mag-uumpisa po ‘yan anytime today.”

Pinapayagan ang fireworks display sa mga designated na ligtas na lugar ngunit kailangang dumaan muna sa pag-aapruba ng lokal na pamahalaan, ayon kay Danao. (JESSE KABEL)

347

Related posts

Leave a Comment