TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO

SADYANG hindi maganda ang pasok ng taong 2020 sa ating bansa. Halos lahat na yata ng unos ay naranasan natin. Kabilang na rito ang pagputok ng bulkan Taal, COVID 19 pandemic, lindol at ang sunod sunod na bagyo na nagpalubog sa maraming lalawigan sa Bicol Region at sa Cagayan Valley.

Halos bawat pamilya na aking kakilala ay naapektuhan at ang iba pa nga ay namatayan ng kani-kanilang kamag-anak.

Katulad na lamang sa aming pamilya ay may pumanaw din dahil sa COVID 19 ang aking nakatatandang kapatid na si Barangay Pio del Pilar Kagawad Verong Umandap at makalipas lamang ng halos apat na buwan ay binawian na rin ng buhay ang aking Nanay dahil na rin sa kanyang katandaan sa edad na 95 taong gulang.

Ngunit ika nga kahit pa anong unos ang ating maranasan, ay hindi pa rin maaring mapigil ang pagdiriwang ng Pasko.

Dahil ang pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Poong Hesukristo ay nagdudulot ng pag-asa at munting kaligayahan lalo na sa mga bata.

Sa hanay ng mga OFW ay mistulang naging pamasko ng ating pangulo Rodrigo Duterte ang kanyang pagtitibay na maging isang “Urgent Bill” an gang pagkakaroon ng Department of Overseas Filipinos (DOFil). Samantala ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) naman ay nagpatibay ng bagong mga programa na naglaan ng mas malaking pondo para sa mga OFW na apektado ng pandemya na uuwi na sa Pilipinas.

Kabilang na rito ang tuloy-tuloy na paglulunsad ng Tulong Puso na kung saan ang bawat grupo ng mga OFW ay maaring makatangap ng tulong pionansiyal na mula 150,000 hanggang 1 milyon piso.

Ang nasabing halaga na matatangap ng bawat organisasyon ay isang grant na hindi na kinakailngan bayaran ng mga nakatanggap.

Samantala, bilang pagpapatuloy ng pagdiriwang ng pasko, ang iba’t-ibang mga grupo ng mga samahang Filipino (FILCOM) sa bansang Japan ay nagkaisa na magkaloob ng ayuda para sa mga taga-Linao, Tuguegarao at Isabela na nasalanta ng bagyo.

Nakagawian na relief goods na naglalaman ng mga sardinas, noodles at bigas, ay napagdesisyunan ng AKOOFW nag awing “christmas bag” na naglalaman ng Spaghaeti, Spagheti sauce, mga meat loafs at Karne norte na nakapaloob sa isang magandang disensyong Christmas bags upang maipadama kahit panandalian lamang ang diwa ng pasko.

Kabilang sa mga grupo na nagkaloob ng tulong ay ang BILJA na pinamumunuan ni Rose Buenavidez. Golden Eagle Club International, UFPAJ ni Dante Negre, ALDUB Japan, Ateneo LSE Batch 81, APO Tokyo Alumni Association, Purple Heart Society ni Susan Candelaria, DOSJ ni Joseph Banal, PFPIJ NI Josel Palma, Oyee Barro, FIYA ni Nancy Matsunaga, Infinity Feng Shui ni Yuri Saito, JRF, Queens Bee Remitance, HAKMI Jevanilla Shimegemizu at iba mga FILCOM Leaders.

Kabilang din sa mga nagkaloob ng tulong ang aking mga kaibigan mula naman sa South Elite Aircom na pinamumunuan ni Nald Santos at Nathan Villasis.

Nagkaloob din ng tulong ang aking kaibigan mula sa Fance na si Vivian Palma.

Ang AKOOFW ay naging daan la,manmg upang maiparating ang bawat tulong ng mga grupo at individual na may mabuting kalooban katulad ng mga FILCOM sa bansang Japan.

271

Related posts

Leave a Comment