Kung ‘di kayang ireporma ang pulis SINAS PINAGBIBITIW NG SOLON

(BERNARD TAGUINOD)

AGARANG pinakikilos ng isang mambabatas sa Kamara si Philipine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas para ireporma ang kanyang mga tauhan at kung hindi ay dapat siyang magbitiw.

Ayon kay Davao del Norte Rep. Panteleon Alvarez, dapat ding alamin ng hepe ng pambansang pulisya kung bakit may mga pulis na tulad ni PSMS Jonel Nuezca.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag dahil ang tingin umano ngayon ng mga tao sa PNP ay hindi isang institusyon kundi “Pumapatay Ng Pilipino”.

“Pursuant to this aim, let us also demand that command responsibility be implemented in our police force led by PNP Chief Debold Sinas. If the Chief cannot effectively lead PNP and guide its personnel towards serving and protecting the Filipino people, he should not be PNP Chief at all,” ani Alvarez.

“Failure of leadership is not acceptable. Lives are at risk. The credibility of the police force is in ruins. Reform the PNP or resign,” dagdag pa nito.

 

VIDEO/PHOTOS
SANDATA NG TAO

Samantala, hindi dapat pagbawalan ang mamamayan na kunan ng larawan at video ang mga nagaganap na krimen dahil ito na lamang ang tanging sandata ng mga tao para makamit ang katarungan.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga militanteng mambabatas matapos sabihin ni Sinas na hindi magandang ideya ang pagkuha ng litrato at video sa kaganapan ng krimen.

“Tanging sandata na ngayon ng taumbayan ang kumuha ng video at litrato para maging ebidensya sa mga operasyon ng pulis,” ani Kabataan party-list Rep. Sarah Elago.

Ayon sa mambabatas, malaki ang maitutulong ng video at mga litrato na kuha ng netizens sa isang krimen para mapanagot ang mga salarin tulad ng ginawang pagpatay ni Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

“Kung wala ito, maaring mapabilang sila Nanay Sonya at Frank sa libu-libong kasong “nanlaban” daw na namatay sa mga operasyon ng pulis. Ang tanong ng taumbayan ngayon, paano ang mga hindi navideohan o nakuhanan ng picture sa mga pandarahas ng kapulisan sa mamamayan?” ayon pa mambabatas.

Duda rin si Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite sa motibo ni Sinas dahil hindi ang kapakanan ng mga kumukuha ng video at larawan ang tila pinoprotektahan nito kundi ang mga gumagawa ng krimen.

Sinabi ni Gaite na mistulang ayaw ni Sinas na magkaroon ng ebidensya laban sa mga pang-aabuso ng mga pulis kaya sinisira nito ang loob ng mga tao na kumuha ng video at litrato sa krimen.

“Before, the PNP rejected the proposal that they be equipped with body cams after the questionable “tokhang killings”, planting of evidence, and other irregularities in their police operations. We are still pushing for police body cams for all policemen but for now let the people be the guardians of their rights,” ani Gaite.

197

Related posts

Leave a Comment