ONLINE SEX TRADE, PINAIIMBESTIGAHAN NI DUTERTE

KINUMPIRMA ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat kaugnay sa Christmas sale ng students’ online sex trade.

Sinabi ni Go na ipapatawag na ng Pangulo ang anti-cybercrime authorities upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon kasabay na rin ng atas sa Council for the Welfare of the Children na tutukan ang usapin dahil maituturing itong pagsasamantala sa mga kabataan.

Idinagdag ng senador na ipinaalala ni Pangulong Duterte na hindi dahilan ang kahirapan para ibenta ng mga estudyante ang kanilang kaluluwa.

Ipinaalala naman ni Go na maaaring kasuhan ang mga kasabwat ng mga estudyante sa sinasabing pagbebenta ng malalaswang larawan upang may maipambili ng gadgets para sa online/distance learning.

“Dapat hulihin po kung sino ang mga kakutsaba at sino ang pumapayag sa mga ganitong pagbebenta po ng malalaswang larawan,” pahayag ni Go.

Kasabay nito, nanawagan ang senador ang mga estudyante na huwag pumasok sa mga ganitong uri ng aktibidad.

Una na ring nanawagan ang senador sa Department of Education at Department of Health na magpatupad din ng mga programa para mapangalagaan ang mental health ng mga estudyante sa gitna ng kinakaharap na krisis.

Sa bawat aktibidad din na pinupuntahan ni Go, hinihikayat nito ang mga estudyante na mag-aral mabuti. (DANG SAMSON-GARCIA)

166

Related posts

Leave a Comment