ILLEGAL RECRUITMENT, HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NABAWASAN

BUNSOD ng ban sa pag-alis sa bansa noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic, umabot lamang sa 12,000 ang naitalang Filipino travelers at bumaba ang kaso ng illegal recruitment at human trafficking.

Gayunman, patuloy ang kampanya laban sa nasabing illegal activities ayon sa Bureau of Immigration (BI)

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang immigration officers sa iba’t ibang ports of exit ay ipinagpaliban ang ‘departure’ ng 11,706 passengers, habang 9,411 ang napigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang bilang ng mga pasahero na ipinagpaliban ang biyahe ay umabot sa 70% o 38,522 travelers na pinigil mula sa kanilang pag-alis noong 2020.

“Travel restrictions and international flight suspensions imposed due to the COVID-19 pandemic naturally caused a tremendous drop in the number of Filipinos who traveled abroad in 2020,” ani Morente.

Idinagdag niya, noong Oktubre lamang sinimulan ang unti-unting pag-alis ng gobyerno sa travel restrictions, gayundin ang ban sa non-essential travel ng mga Filipino.

Inihayag pa ng opisyal, ito ang magpapatunay na ang pandemic ay hindi makapipigil sa human traffickers at illegal recruiters mula sa kanilang pambibiktima sa mga Filipino.

“Thanks to our vigilant immigration officers at the ports, many of these suspected human trafficking victims were intercepted and rescued before they could leave,” ayon sa BI chief.

Ayon sa ulat ni Intelligence chief Fortunato Manahan Jr., nangangasiwa sa BI’s travel control and enforcement unit (TCEU), 295 passengers ang kanilang nai-turned over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) bilang mga posibleng biktima ng human trafficking.

Samantala, pinaalalahanan din ni Morente ang mga gustong maging overseas Filipino workers (OFWs) na huwag pumatol sa illegal recruiters at human traffickers.

“We are worried that once international travel returns to normal, there will be again a rise the number of victims,” ayon kay Morente.

“These illegal recruiters will sweet talk their victims and take advantage of the hardships that some of our kababayan
face to make them agree to below-standard arrangements,” aniya pa.

Makabubuti aniya na makipag-ugnayan sa Philippine Overseas Employment Administration para matiyak na ang pagtatrabahuan sa ibang bansa ay rehistrado at legal. (JOEL O. AMONGO)

146

Related posts

Leave a Comment