P2.8-M MARIJUANA HULI SA MMA FIGHTER

AABOT sa P2.8 milyong halaga ng high-grade marjiuana ang nasamsam sa isang Mixed Martial Art (MMA) fighter kasunod ng isinagawang anti-narcotic operation ng Philippine National Police sa Cubao, Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa halip na sa fighting cage, selda ang kinasadlakan ng arestadong MMA fighter na kinilalang si Gary Espinar, residente ng Lajoya Subdivision, Barangay Dila, Sta. Rosa, Laguna matapos mahulihan ng 1.8 kilo ng kush o high grade marijuana sa ikinasang buy-bust operation.

Si Espinar, 38, ay inaresto sa parking lot ng isang grocery sa Cubao matapos kumagat sa bitag ng PNP Drug Enforcement Group at bentahan ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nag-ugat umano ang operasyon sa sumbong ng dalawang lalaking unang naaresto matapos makuhanan ng higit sa P270,000 halaga ng high-grade marijuana.

Ayon kay Capt. Ramon Acquiatan, Jr., hepe ng Northern Police District Drug Enforcement Unit, gumagamit ng marijuana ang mga suspek para ma-relax kahit bugbog na ang katawan sa pag-eensayo.

Ayon kay PNP chief, P/General Debold Sinas, ang pagkakaaresto sa MMA fighter ay follow-up operation sa naunang buy-bust operation noong nakaraang gabi kung saan nakumpiskahan ang mga suspek ng 180 grams ng kush at itinuro na si Espinar ang source ng kanilang ilegal na droga.

“The use, sale and distribution of marijuana is highly illegal. I have instructed all units to be extra vigilant and to arrest those who think that they can flood the market with recreational drugs,” ani Gen. Sinas. (JESSE KABEL)

131

Related posts

Leave a Comment