SINABI ng Malakanyang na hindi bibilhin ng Pilipinas sa halaga ng market price ng China ang bakunang Sinovac.
Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na posibleng may korapsiyon sa malaking pagkakaiba ng Sinovac vaccine sa Pilipinas at iba pang bansa.
“With all due respect at talagang malapit po ang aming relasyon ni Senator Lacson, kung maalala po ninyo noong siya ay nagtatago, ako talaga iyong dumidepensa sa kaniya ano. But with all due respect kay Senator Lacson, hindi po nagbago ang posisyon ng gobyerno. Sa mula’t mula wala naman pong katuturan iyong sinasabi nila na pinakamahal ang Sinovac,” anito.
Ani Sec. Roque, iba ang halagang ibabayad ng pamahalaan sa Sinovac bunsod na rin ng set up na government to government negotiation.
Kaya sa simula’t simula aniya ay batid na nila ang presyo ng market price sa Tsina na aniya’y mataas kung ikukumpara sa G-to-G price. (CHRISTIAN DALE)
