Resulta ng pandemya 5 MILYONG PINOY, JOBLESS

TUMAAS sa 5 milyon ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho mula noong kalagitnaan ng Marso ng nakalipas na taon hanggang Disyembre.

Inamin ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan 500,000 sa kanila ay resulta ng pagsasara ng mga kumpanya dahil sa napakaliit ng kita sa negosyo.

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa “enhanced community quarantine” (ECQ) ang National Capital Region (NCR) dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Pagkaraan ng dalawang araw, isinama na ni Duterte ang buong Luzon sa ECQ o lockdown.

Dahil sa ECQ, ang lahat ng kumpanya, kabilang ang mga nakabase sa Visayas at Mindanao, ay tumigil sa pagnenegosyo, maliban sa mga kumpanyang nasa linya ng pagkain at gamot.

Noong Oktubre, naglabas ng impormasyon ang Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabing pumalo sa 3.8 milyon ang mga Pilipino na nawalan ng trabaho.

Naglabas din ang Ibon Foundation, institusyon ng mga mananaliksik, pagkaraan ng ilang linggo na nagdeklarang umabot sa 5 milyon ang nawalan ng trabaho kumpara sa 3.8 milyong impormasyon ng PSA.

Tumulong ang DOLE na makapagbigay ng trabaho sa mga nawalan noong Disyembre, sa pamamagitan ng online job fair, ngunit hindi pa nga ito umabot sa 25,000.

Naniniwala ang NAGKAISA Labor Coalition, binubuo ng mahigit 42 pederasyon at unyon ng mga manggagawa sa bansa, na patuloy na lalaki ang bilang ng mga Pilipino na mawawalan ng trabaho kapag
hindi gumawa ng mapagpasyang hakbang ang administrasyong Duterte. (NELSON S. BADILLA)

132

Related posts

Leave a Comment