Bilang paghahanda para sa pagdagsa ng mga essential food products lalo na ang bakuna para sa covid-19, ang Bureau of Customs (BOC) ay pinaigting pa ang ang kanilang pagsisikap upang i-monitor at matiyak na magiging maayos ang daloy ng mga kalakal sa bansa.
Isa sa mga pangunahing hakbang na ipinatupad kamakailan sa BOC ay ang pagbuo ng Covax Importation Unit, na ang pangunahing gawain ay tiyakin ang maayos at mabilis na proseso at pagmomonitor ng Covid-19 vaccine importations.
Ang unit na ito ay responsable para sa pakikipag-ugnayan sa IATF at iba pang concerned agencies na may kaugnayan sa Covid-19 vaccines.
Ang One-Stop-Shop sa Port of NAIA ay titiyakin din na pabilisin ang proseso at pag-release of approved vaccines, personal protective equipment, medical supplies, at iba pang goods essential na gamit sa paglaban sa Covid-19, basta lahat ay kinokontrol na mga kalakal (regulated goods) na sumunod sa kinakailangang permits.
Inaasahan din ng BOC ang pagtaas ng bilang ng importasyon partikular na sa mga processed at canned meat products pati na ang pork products kasunod ng paglalabas ng Executive Order 123.
Ito ay nagpataas ng 5% tariff sa imports ng mechanically-deboned meat (MDM) ng chicken at turkey hanggang sa katapusan ng 2021.
Kaugnay nito, ang Department of Agriculture kamakailan ay inanunsyo ang posibleng pagtaas ng minimum access volume (MAV) na alokasyon para sa pork para patatagin ang supply at mga presyo sa merkado.
Sa mga pagbabago kamakailan, ang BOC ay nagpalakas ng kanilang trade facilitation programs at aktibidad para tiyakin na patuloy ang supply ng essential food products.
Ang Customer Care Centers ay na-establisa na sa 17 Collection Districts na nananatiling operational para tumulong sa stakeholders sa kanilang alalahanin at BOC-related transactions.
Ang disposisyon naman ng mga overstaying containers ay nananatili para tiyakin na hindi maaabala ang paghahatid ng serbisyo at maiwasan ang pagsisikip sa pwerto.
Pinalakas din ng Bureau ang kanilang pamamaraan sa pagbabantay ng mga hangganan para tiyakin na lahat ng shipments ay sumunod sa Customs laws, rules at regulations.
Ang portal x-ray machines ay may kakayanan na makapag-scan ng 160 containers per hour, o 3,840 containers per day na naka-install sa major ports – Port of Manila, Manila International Container Port, Port of Cebu at Port of Davao.
Sa bagong binuong Customs Operations Center, pinalakas ang Bureau’s command and control on intelligence and enforcement operations sa labing pitong (17) Collection Districts nationwide.
Ang Center ang namamahala sa Intelligence Database, ang Electronic Tracking of Containerized Cargo (E-TRACC), at ang Vessel Monitoring System.
Ito rin ay nagbibigay ng remote access sa BOC’s x-ray system at nagsisilbi bilang fusion center para sa ‘integrate and analyze intelligence, enforcement, and operational information gathered from various sources’.
Karagdagan nito, ang implementasyon sa Universal Risk Management System (URMS) mga pagpapahusay sa Bureau’s risk at compliance-prediction capabilities laban sa ilegal na kalakalan at pandaraya sa customs.
Kasabay nito, tiniyak din ng Bureau of Customs sa publiko na patuloy na ipatupad ang nararapat na kaukulang pamamaraan para protektahan, mapadali at mabawasan ang pagkagambala sa supply chain, lalo na para sa pangunahing pangangailangan at mahahalagang kalakal.
(Joel O. Amongo)
