Payo ng Palasyo ngayong Chinese New Year MAG-CELEBRATE PERO PAIRALIN ANG HEALTH PROTOCOLS

NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga magdiriwang ng Chinese New Year ngayong darating na Biyernes, February 12.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan naman ng gobyerno ang pagdiriwang ng Chinese New Year subalit kailangan na kaakibat nito ang mariing pagsunod sa health protocols tulad ng mask, hugas, iwas upang hindi kumalat ang COVID-19.

Sa kabilang dako, inanunsyo rin ni Sec. Roque na kasabay ng mahalagang pagdiriwang na ito ng mga kababayan nating Filipino-Chinese, binigyan na rin ng pahintulot ng Inter-agency Task Force (IATF) ang isang mall na malapit sa Manila Bay na magkaroon ng fireworks display.

Ayon kay Sec. Roque, pupuwede naman aniyang ipagdiwang ang nasabing okasyon basta’t siguruhin ang kaligtasan laban sa COVID-19 lalo na’t nalalapit na ang pagdating ng bakuna kontra rito. (CHRISTIAN DALE)

129

Related posts

Leave a Comment