PROTEKSYON NG VAX STORAGE PINATITIYAK

HINILING ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Health (DOH) evaluators ng cold storage na tiyakin ang proteksiyon ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa.

Kasabay nito, hinimok ni Go ang DOH na madaliin ang pag-apruba sa saliva testing ng COVID-19 upang maging mura ang pagsusuri ng sakit.

Sinabi ni Go na pinaghirapan ng pamahalaan ang pagbili ng bakuna dahil nag-aagawan ngayon ang mga bansa sa suplay ng gamot.

“Pinakamahalaga dito na walang masirang bakuna upang matiiyak na ligtas ang ating mamamayang Pilipino na mababakunahan,” ayon kay Go.

Aniya, dapat sumunod ang alinmang healthcare institution sa pangangailangan sa antas ng lamig ng mga cold storage upang matiyak na protektado ang bakuna laban sa kontaminasyon. (ESTONG REYES)

118

Related posts

Leave a Comment