RAPPLER CEO MARIA RESSA ARESTADO SA CYBER LIBEL

ressa1

(PHOTO BY ROMY AQUINO)

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) Miyerkoles ng gabi si Rappler CEO Maria Ressa sa cyber libel sa artikulong inilathala sa news website noong May 2012, ilang buwan bago magkaroon ng batas sa anti-cybercrime law.

Ibinigay ng NBI agents ang arrest warrant na inisyu ni Judge Rainelda Estacio-Montesa, ng Manila Regional Trial Court Branch 46 noong Martes, kay Ressa sa Rappler headquarters sa Pasig City.

Ang kaso ay nag-ugat sa cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Wilfred Keng laban kay Ressa at dating Rappler reporter Reynaldo Santos dahil sa running story na ‘CJ using SUVs of controversial businessmen’ na umano’y nag-uugnay sa kanya sa human trafficking at drug smuggling.

Agad kumilos ang NBI sa reklamo ni Keng kung saan napatunayang lumabag sina Ressa at Santos sa cybercrime prevention act of 2012 noong nakaraang buwan.

Sa kanyang panig, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na wala siyang alam na impormasyon tungkol sa warrant. Idinagdag pa nito na isa lamang itong procedural at maaaring makapag-piyansa si Ressa anumang oras nitong gustuhin kahit pa man bago pa isilbi ang warrant.

Nahaharap din si Ressa sa tax-related case sa Court of Tax Appeals sa Pasig Regional Trial Court. Nakapagpiyansa na siya para sa naturang mga kaso.

180

Related posts

Leave a Comment