Nasabat ng mga tauhan ni Col. Cardiño 13 ARESTADO SA PEKENG TRAVEL DOCUMENTS

ZAMBALES – Arestado ng mga operatiba ng Castillejos MPS sa koordinasyon ng PS6 ng Angeles City, Pampanga, ang 13 indibidwal noong Sabado, Pebrero 27, makaraang magharap ng pinalsipikang Regional Joint Task Force Covid Shield Travel Authority, sa isang checkpoint sa lalawigang ito.

Base sa report na isinumite kay P/Col. Romano Velayo Cardiño, Provincial Director ng Zambales Provincial Police Office, ang 13 sibilyan mula sa Angeles City, Pampanga ay patungo sa Botolan, Zambales nang madakip sa tangkang paglusot sa checkpoint sa Nat’l Highway, Brgy. Magsaysay, Castillejos Zambales, habang sakay ng isang puting Toyota Hi-Ace van (CAO 9564).

Kinilala ang mga inarestong sakay ng nasabing van na sina Patrick Sison, Jhian Enriquez y Candelaria, Sean Lacanilao y Arada, Kenneth Carbungao y Villena, Jayson Pineda y Baluyot, Warren Bautista y Pineda, Mark Mallari y Manalota, Christian Baladad, Ian Dayrit y Topaca, Paula Paguinto y Balingit, Raniel Ramoneda y Deocera, Elvin Ocampo y Concepcion, at Joshua Mendoza y Palo, pawang mga residente ng Brgy. Lourdes, North West, Angeles City, Pampanga.

Ang inarestong mga indibidwal na nakumpiskahan ng fake travel documents ay dinala sa kanilang respective unit/station para sa kaukulang disposisyon.

“We have been continuously intensifying our drive to serve and protect our citizens through continuous police operation and implementation of the law. May this serve as a stern warning to all who would attempt to use fake travel documents to cross the boarders of Zambales. Severe penalties will be imposed against all violators,” dagdag ni P/Col. Cardiño. (JESSE KABEL)

264

Related posts

Leave a Comment