PREPARADO na ang deployment plan ng National Adverse Event Committee na siyang tatanggap ng mga ulat na may kinalaman sa masamang epekto na mararanasan ng isang nakatanggap na ng bakuna.
Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, Executive director of Philippine Foundation for Vaccination, nakahanda na ang komite sa pagtanggap at pagkuha ng impormasyon hinggil sa anomang maiuulat na adverse event.
Mahalaga ani Dr. Bravo na makita at mai-report ang anomang side effect dahil makatutulong ito sa harap ng pagsisikap ng gobyerno para maging maganda ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.
Mula aniya sa sinasabing adverse event ay kanilang titingnan kung konektado talaga sa vaccine o sa kuwalidad ng bakuna ang maiulat na kaso ng side effect.
Hindi naman kasi aniya ibig sabihin na nagkaroon ng lagnat ay galing na sa bakuna habang may kinalaman din aniya ang pagtuturok ng bakuna ng isang vaccinator. (CHRISTIAN DALE)
178
