CAVITE – Umabot sa 32 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang 17-anyos na lalaki, ang binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, sa pagitan ng alas-11:00 ng umaga noong Sabado hanggang 2:20 ng madaling raw nitong Linggo, isinagawa ang buy-bust operation sa tatlong lungsod at at pitong bayan na nagresulta sa pagkakaaresto sa 32 hinihinalang mga tulak.
Nanguna sa pinakamaraming bilang ng dinampot na mga tulak ang Lungsod ng Bacoor (11), sumunod ang General Mariano Alvarez (GMA) (7); Imus City (5); tig-2 ang Tanza at Rosario habang tig-isa ang Silang, Alfonso, Mendez, Tagaytay at Ternate.
Sa isinagawang operasyon, isang 17-anyos na binatilyo ang nadakip makaraang makipagtransaksyon sa isang poseur buyer dakong alas-5:20 ng hapon noong Sabado sa Brgy. Sapa, Rosario, Cavite.
Hawak na ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang nasabing menor de edad. (SIGFRED ADSUARA)
390
