Dalawang Conference na torneo inihahanda sa 46th Season ng PBA

MAKARAANG malampasan ang isang taong lockdown na ipinatupad ng pamahalaan para masupil ang malawakang paglaganap ng pandemya na COVID-19, sisikapin ng ­Philippine Basketball Association o PBA na ituloy ang pakinabang na natamo sa isang conference na torneo bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo nito noong nakaraang taon.

Ang 2020 Philipine Cup lamang ang matagumpay na nairaos ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya na pinagwagihan ng Barangay Ginebra Gin Kings laban sa Talk ‘N Text Tropang Giga.

At ngayong taon, para ipagdiwang ang ika-46 na anibersaryo ng liga, nakatakdang maghandog ang PBA ng dalawang conference sa mga milyong tagasunod nito.

Kung matutuloy ang plano, ang Philippine Cup pa rin at ang Governors’ Cup ang gaganapin.

Gaya noong 2010, depende sa magiging pasya ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases(IATF) ang pagkakatuloy o hindi ng plano.

“Survival pa rin, sir, ang magiging tema ng ating selebrasyon ngayong taon,” pagtatapat ni PBA Commissioner Willie Marcial sa SAKSI NGAYON noong Huwebes.

Noong nakaraang taon ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng pro-league sa bansa na isang torneo lamang ang naidaos.

“Of course, we will again be banking on the modest success we’ve achieved in last year’s All-Filipino bubble held at the New Clark City.

That success too will be our weapon in trying to convince the IATF to approve out proposal,” ani Marcial.

Sa pagtatapos ng dalawang araw na PBA board planning session noong Lunes at Martes, pinangunahan nina chair Ricky Vargas at Marcial ang iba pang mga opisyal ng liga sa press briefing para ipahayag ang kanilang napagkasunduan.

Ang darating na 46th Season, ani commissioner, ay ­posibleng ganapin sa ilalim ng semi-bubble setup sa isa o dalawang lugar sa Metro Manila.

Sa ngayon, posibleng idaos ang pagdiriwang sa Ynares Sports Complex sa Antipolo, na nasa ilalim ng moderate community quarantine (MGCQ).

“Antipolo appears most likely the site or our semi-bubble, two-conference format. Ito kasi ang nakita naming may pinakamababang quarantine set-up,” paliwanag ni Kume.

“Gagawa na kami ng request kay Mayor (Andrea) Ynares para sa aming proposal na malamang padaanin namin sa kanyang kabiyak (ex-Mayor Casimiro “Jun” Ynares III).”

Ayon sa napagkasunduan sa planning session, ang PBA Board of Governors ay umaasang ang All-Filipino Cup ay matatapos sa apat sa loob ng apat na buwan at ang Governors’Cup ay tatagal ng anim na buwan.

Tatampukan ang kambal na torneo ng 3-conference ­inaugural na 3×3 format na may 18 na yugtong matatapos sa maluhong grand championship.

Malamang din na masunod ang tradisyonal na tuwing Miyerkoles, Biyernes, Sabado at Linggo para sa regular na laro, at Biyernes at Sabado para sa 3×3.

199

Related posts

Leave a Comment