18K-20K DAILY COVID-19 CASES NAKAAMBA

PINANGANGAMBAHANG makapagtatala ng 18,000 hanggang 20,000 kaso ng COVID-19 kada araw sa bansa sa kalagitnaan ng Abril 2021 kung hindi magbabago ang kasalukuyang reproduction rate nito.

Base sa OCTA Research Group, ang bansa ay baka makapagtala ng pagtaas hanggang 8,000 ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Marso.

At kung hindi magbabago ang kasalukuyang reproduction rate pagdating ng kalagitnaan ng Abril ay baka umabot ng 18,000 hanggang 20,000 ang COVID-19 cases kada araw.

Sa Metro Manila, ang araw-araw na virus cases ay posibleng umabot sa 5,000 hanggang 6,000 sa katapusan ng Marso at 14,000 sa kalagitnaan ng Abril, ayon kay Guido David ng OCTA Research.

Ang nasabing ‘projection’ ay nakabase sa 1.9 reproduction rate o ang bilang ng mga tao na nahahawaan ng virus.

Sinabi pa ni Guido, hindi sila nananakot, sinasabi lang nila ang science, nagpapakatotoo lamang sila, ito ay dahil mas mabilis aniya ang kanilang kumparison sa orihinal nilang projection.

Nauna rito, ang projection ng OCTA Research Group ng daily virus cases sa buong bansa ay aabot sa 5,000 sa katapusan ng buwan sa Metro Manila.

Ang Metro Manila mayors ay nagpapatupad ng localized lockdown para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Matatandaan noong Sabado ang bansa ay nakapagtala ng 5,000 bagong mga kaso ng COVID-19 na pinakamataas na naitala sa loob ng pitong buwan naging dahilan ng kabuuang mga kaso sa bilang na 616,611.

Inaasahan namang ipatutupad ngayong araw (Marso 15) ang tinatawag na unified curfew sa National Capital Region (NCR). (JOEL O. AMONGO)

448

Related posts

Leave a Comment