QCGH COVID WARDS, PUNO NA

UMABOT na sa full COVID-19 capacity ang Quezon City General Hospital (QCGH) noong nakaraang Sabado.

Ayon kay QCGH director, Dr. Josephine Sabando, simula noong Marso 9, ang occupancy rate ng kanilang COVID ward beds ay lumagpas sa 100%.

Ang QCGH ay nakapagtala ng 106% Covid bed occupancy noong Marso 9; 137% noong Marso 10; 12% noon Marso 11 at 112% noong Marso 12.

Ngunit sinabi ni Sabando, ang QCGH ay nananatiling tumatanggap ng walk-in non-COVID patients na may nakahanay na protocols na sinusunod para sa kaligtasan ng mga pasyente at maging ng healthcare workers.

“Despite these, we will still admit non-Covid patients pero ang ipa-priority natin ay ‘yung may mga urgent cases tulad ng trauma cases, cardiac emergencies at iba pa. Sunod ay ‘yung semi-urgent cases. Walk-in patients with non-urgent cases will still be given appropriate medical attention,” paliwanag pa ni Sabando.

Binanggit pa ni Sabando, ang admission rate ng COVID patients noong nakaraang Disyembre at nitong bahagi ng Enero, ay nakapagtala lamang ng 10%. (JOEL O. AMONGO)

574

Related posts

Leave a Comment