NAKAPAG-RECRUIT na ang gobyerno ng mga health personnel mula sa ibang rehiyon na magsisilbing augmentation force ng mga health worker sa National Capital Region (NCR).
Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pag-uusap nila ni Senador Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea at DOH Undersecretary Leopoldo Vega.
Ani Sec. Roque, sa nasabing pag-uusap ay nabanggit ni Usec. Vega na nasa 60 porsiyento na ng kanilang target ang na-recruit para makatuwang ng mga taga Metro Manila.
“I don’t know the exact number. But last Saturday, we had a special meeting precisely with Executive Secretary and Senator Bong Go outside of the IATF meeting.
And that was where Usec. Vega said that they were able to hire 60% of their target personnel. So I will get the actual numbers but the percentage is what I remember from what Usec. Vega said, and this is rather good recruitment process of hiring 60% of the required number,” ayon kay Sec.Roque.
Aniya pa, batay sa kanyang pagkakaalam ay plantilla positions pa ang nakuha ng mga na-recruit na bagong government health personnel. (CHRISTIAN DALE)
152
