Health workers malalagay sa peligro COVID SA PINAS TATAWID NA SA ‘RED LINE’

INILABAS ng isang mataas na opisyal ng World Health Organization (WHO) ang pagkadismaya nito sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito’y dahil nangangahulugang naging depektibo ang sistemang pangkalusugan ng Pilipinas, pahayag ni Dr. Takeshi Kasai, direktor ng WHO Western Pacific Region.

“We are concerned with the situation in the Philippines. We are concerned because the surge [in COVID-19 cases] is really continuing and moving towards the so-called red line — the number of cases exceeds the capacity of healthcare [system],” paliwanag ni Kasai.

Idiniin niya na inilalagay sa mapanganib na kalagayan ang healthcare workers kapag narating ang red line.

Tinumbok ni Kasai na kapag dinapuan na rin ng nasabing sakit ang healthcare workers ay pihadong babagsak ang kapasidad ng sistemang pangkalusugan.

Simula noong Marso 5 ay tumaas nang tumaas ang bilang ng mga Pilipino na tinatamaan ng COVID-19.

Ang nasabing araw ay siyang simula ng programang baksinisasyon ng administrasyong Duterte. (NELSON S. BADILLA)

132

Related posts

Leave a Comment