12 PA PATAY SA COVID SA 3 CAMANAVA CITIES

NADAGDAGAN pa ng 12 namatay dahil sa COVID-19 ang tatlong lungsod ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area.

Ayon sa ulat, anim ang mamatay sa Navotas dahil sa COVID-19 noong Abril 6 at 1,438 na ang active cases matapos na 40 ang magpositibo at 56 ang gumaling.

Umakyat na sa 8,978 ang nasapol ng pandemya sa lungsod, kung saan 7,276 na ang gumaling at 264 na ang namatay.

Apat naman ang namatay sa Valenzuela City at 1,006 ang active cases hanggang noong Abril 7 at 1,006 ang active cases matapos na 66 ang magpositibo at 192 ang gumaling

Sumampa na sa 13,883 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at sa bilang na ito ay 12,537 na ang nakarekober at 320 na ang namatay.

Nadagdagan naman ng dalawa ang COVID-19 death toll ng Malabon na umabot na sa 348 noong Abril 7. Bukod dito, 108 ang nadagdag na confirmed cases nitong Huwebes at sa kabuuan ay 10,252 na ang positive cases sa lungsod, 961 dito ang active cases.

Habang 230 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 8,943 ang recovered patients ng siyudad.

Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga kumpirmadong kaso sa Barangay Baritan dahil napag-alamang ilan sa mga ito ay taga-Quezon City. Mula 455 ay magiging 453 na lamang ang mga kumpirmadong kaso sa Barangay Baritan.

Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na updates sa kanilang COVID-19 cases ang Caloocan City. (ALAIN AJERO)

111

Related posts

Leave a Comment