Kinastigo ni Defensor DOH MAS PABOR SA MAHAL NA GAMOT

KINASTIGO ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang Department of Health (DOH) dahil mas pabor umano ang mga ito sa dalawang napakamahal na “investigational COVID-19 therapeutics” kesa sa wonder drug na ivermectin na kayang bilhin ng mahihirap.

“The DOH continues to spend hundreds of millions, maybe billions, of pesos to buy remdesivir and tocilizumab, not to mention the purchases of private hospitals,” ani Defensor.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos aminin ni DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, na nakatakdang dumating sa bansa ang mga bagong stock ng remdesivir at tocilizumab matapos magkaubusan umano ng nasabing gamot nang dumami ang tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Defensor, nagkakahalaga ang remdesivir ng P28,000 at dalawang vial ang itinuturok sa mga pasyente kada araw habang ang tocilizumab ay umaabot sa $2,000 ang halaga.

Nabatid na tatlo (3) hanggang limang araw binibigyan ng remdesivir ang isang pasyente kaya P168,000 hanggang P280,000 ang ginagastos sa isang COVID-19 patient na hindi aniya kaya ng mahihirap.

“In contrast, ivermectin, which is also an investigational drug like its two more expensive rivals, costs only P35 per tablet,” ani Defensor kung saan 3 tableta lamang aniya ang kailangan o P105 para gumaling ang isang pasyente sa COVID-19.

Ang PhilHealth ang gumagastos sa remdesivir at tocilizumab na ginagamit sa mga may COVID-19 na nasa pangangalaga ng mga pampublikong pagamutan habang sa mga pribadong ospital ay binabalikat ito ng pamilya ng mga pasyente.

Nagtataka rin si Defensor kung bakit pinayagan ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) na gamitin ang remdesivir gayung hindi ito pinaboran ng World Health Organization (WHO).

“We were part of the WHO solidarity trial and yet we do not follow their recommendations and continue to allow remdesivir to be given to COVID-19 patients. For remdesivir, we don’t follow and DOH continues to purchase it, but for ivermectin, where data is still inconclusive and clinical trials are allowed, the DOH and the FDA crack down on supply,” ayon sa mambabatas at kasama umano ito sa listahan ng essential drugs ng WHO, Philippine FDA at US FDA subalit ayaw bigyan ng pagkakataon ng DOH.

“It is considered a wonder drug, along with penicillin and aspirin. It is one of the safest, with a testimony spanning 40 years. It has a 3.7 billion dosage on record,” ani Defensor pero sarado ang pintuan dito ng DOH at FDA sa hindi malinaw na kadahilanan.

Inamin ng mambabatas na hindi registered drug ang ivermectin subalit ito umano ang nakagamot sa river blindness at iba pang parasitic illness at marami nang testimonya na nakagagaling din ito ng COVID-19.

“Can the DOH and FDA allow its production? Yes, in the same manner that they have allowed the expensive drugs to be used. An administrative order (AO) allowing drug manufacturers to produce ivermectin can be issued. The AO would allow them to import legally without facing arrest and confiscation of products given the current policy of the DOH and the FDA,” ani Defensor.

Isa si Defensor sa mga uminom ng ivermectin nang magkaroon ito ng COVID-19 at ito lamang umano ang kaya ng mahihirap kumpara sa remdesivir at tocilizumab na pinapaboran ng DOH at FDA.

“We can save many lives without draining government and PhilHealth coffers or making families, including the poor, pay huge sums for the hospitalization of their loved ones,” ani Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

177

Related posts

Leave a Comment