(NI SIGFRED ADSUARA)
PATULOY na tumaas ang bilang ng kaso ng tigdas habang pumalo na sa 55 ang bilang ng mga namamatay sa CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon ), hanggang kahapon, February 17, 2019.
Sa bagong ipinalabas na Meassles quick count ng DOH-CALABARZON, simumula alas-8:00 Linggo ng umaga, umakyat na sa 2, 328 ang bilang ng kaso ng tigdas kung saan 55 dito ang naiulat na namatay.
Sa datos, ang Rizal ang nakapagtala ng pinakamataas na namatay sa tigdas na mayroon 40 sa 1,268 na kaso; sumunod ang Cavite na nagtala ng 7 patay sa 284 na kaso; Laguna na may 6 na namatay sa 325 na kaso at tig-iisa sa Batangas na may 236 na kaso at Quezon na may 215 na kaso.
Nagkakahawaan ang nakikitang dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng tigdas.
Matatandaan na nauna nang nagbigay ng direktiba si DOH-Regional Director E duardo C Janairo sa mga Provincial Health Officer (PHO, City Health Officer (CHO), Municipal Health Officer (MHO), National Immunization Program (NIP) Provincial Health Team Officer (PHTO) at Development Management Officer (DMO) sa rehiyon para sa agarang pagresolba ng lumalalang kaso ng tigdas
Nagsagawa na rin ng koodinasyon ang ang DOH-CLABARZON sa Department of Socail Welfare and Development (DSWD) , Department of Education (DepEd) Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at AFP para sa pagpapatupad ng mass immunization sa rehiyon.
151