Tiniyak ng DILG sa preso na covid positive ISOLATION HINDI BARTOLINA

TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi sa bartolina kundi sa isolation facility inilalagay ang isang preso na nagpo-positibo sa COVID-19.

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sinabi ni DILG Usec. Bernardo Florece Jr. na maayos namang napapamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kalagayan ng mga preso na nakapiit sa pasilidad ng BJMP at provincial jails sa ilalim ng superbisyon ng mga provincial governor ngayon at patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19.

“Hindi naman sa bartolina. Mas maganda ito dahil sila-sila lang iyong nandoon sa loob ng isolation facility,” aniya pa rin.

Aniya pa rin, sa jail facilities ay mayroong tinatawag na isolation facility kaya kapag mayroong nag-positive ay kaagad na ilalagay roon. (CHRISTIAN DALE)

225

Related posts

Leave a Comment